Anyare sa 48 Dalian Coaches na Binili ng Rehimeng Aquino para sa MRT 3?

Sa araw araw na lamang, tumetrending sa Facebook newsfeed ko ang pagkahaba-habang pila ng mga taong nagnanais sumakay ng MRT para makarating sa kani-kanilang pupuntahan.

Ayon sa report, mayroon na lamang 8 trains ang tumatakbo para serbisyuhan ang 260,000 katao araw araw. Subalit, kung ikukumpara noong 2017, merong 20 trains ang MRT at 463,000 na commuters ang napagsisilbihan.

Ngunit noong November 2017, naging 15 trains na lamang ito matapos madiskubre diumano ang mga anomalya sa performance ng Busan Universal Rail Incorporated (BURI) na syang taga-maintain ng MRT. Subalit ngayong 2018, 8 trains na lamang ang napapatakbo ng MRT.

Bakit Hindi Magamit ang 48 Dalian Coaches?

Noong March 16, 2017, lumabas ang news report na dumating na ang lahat ng 48 Dalian coaches sa bansa. Ngunit, ayon kay DOTr Usec for the Rail Sector Cesar Chavez, hindi pa maaaring gamitin ang mga bagon dahil may mga issues pa na kelangang ayusin.

Ayon kay Chavez, magagamit lamang ang mga bagon na ‘to sa susunod na taon. Unang una, hindi sapat ang power supply ng MRT para patakbuhin ang 48 coaches o 16 trains. Ayon din sa kanya, matatapos ang expansion ng power noong November 2017.

Ganun din, ayon kay Chavez, inaayos na rin ang signaling system para sa bagong trains at kelangang din ayusin ang mga riles. Ayon kay MRT Director for Operations Deo Leo Manalo, ang signaling system para sa Dalian trains ay na-install na at tine-testing na lamang. Inaasahang magagamit na ang 2 trains na may 3 coaches sa lalong madaling panahon.

Kailangan lamang na makatanggap ng certification ang MRT galing sa Bombadier na ligtas ang lahat ng train. Matatapos daw ang certifications in one or two months. So, April 2017, dapat na-certify na ng Bombardier na ligtas ang mga Dalian trains. Ang Bombardier ang naatasang mag-upgrade ng signaling system ng MRT.

Resign na lang daw si MRT GM Rodolfo Garcia

Sa pagdinig ng House of Representatives sa issue ng MRT, nagkagirian sina Speaker Bebot Alvarez at Garcia. Kinagalitan ni Speaker Alvarez si Garcia dahil sa palaging sira ang mga MRT trains.

Ayon kay Garcia, pinag-iisipan nyang gamitin ang mga bagong Dalian trains. Tinanong sya ni Alvarez kung sigurado ba sya sa sinasabi nya? Sagot ni Garcia na magre-resign sya sa kanyang posisyon kung di sya sigurado.

Soli na lang Pera ng Pilipinas, sabi ni Senate President Koko Pimentel

Sa news noong nakaraang ika-4 ng Pebrero, 2018, sabi ni Koko Pimentel, isoli na lang ng Dalian ung 3.8 billion pesos na ibinayad ng Pilipinas at dapat pa raw ma-blacklist ang Dalian sa lahat ng government projects.

Ganun din, madalas na sinasabi ni Sen Grace Poe na palitan na lamang ng bagong trains ang mga nabiling Dalian trains noong termino ni Noynoy Aquino. Gusto rin nyang mausig sa korte ang mga dating government officials na may kinalaman sa problema sa MRT.

Tumatakbo na pala ang mga Dalian Trains

Ngayong February 19, 2018, nag-test run ang MRT ng mga Dalian trains. Sertipikado na ng Bombardier na ligtas ang mga Dalian trains. Ayon din sa report, isa pang German company ang nagsuri nito.

Kung tama ung naunang report, November 2017 pa naresolba ang problema sa karagdagang power na pangangailan ng mga Dalian trains. Ang signaling system ay na-install noong March 2017 at dapat natapos na ang testing noon.

Nakabuo ng isang ikot ang Dalian trains noong nag-test run ito at wala namang naiulat na aberya. Ngunit hindi pa alam kung kailan gagamitin ng DOT rang mga Dalian trains na ‘to.

Isyu ng Compatibility ng Dalian Trains sa MRT

As early as February 2016, isyu na ang compatibility ng mga trains sa MRT 3. Ayon sa dating Transportation Secretary Jun Abaya, “No one in his right mind will order a system that won’t match the rail and specs.”

Tatlo sa 48 Dalian coaches ang dumating na sa Pilipinas noong panahon na un at inaasahang magagamit na by March 2016. May mga spekulasyon na itong mga trains na ‘to ay hindi compatible sa MRT dahil ang mga Dalian coaches ay naka-configure na maging apat na bagon sa isang train.

Ayon kay Abaya, inaayos na ang isyu ng pag-upgrade ng power. Ganun din, ang MRT ay nakadisenyo talaga bilang 4-car train. Nasa 2015 budget ang pag-upgrade ng power ng MRT. Ayon sa timeline ng dating DOTC, makukumpleto ang lahat ng 48 Dalian coaches sa January 2017.

In summary:

  • March 2017, dumating na ang lahat ng 48 Dalian coaches
  • March 2017, na-install na rin ang bagong signaling system at tine-testing na lamang
  • April 2017, dapat nagpalabas na ng certification ang Bombardier na ligtas ang Dalian trains
  • November 2017, dapat natapos na ang pagdadagdag ng power sa MRT
  • February 2018, nag-test run na ang mga bagong Dalian trains at tumakbo naman ito nang maayos

Ang punto kasi rito, masyado namang na-demonize muli ang rehimeng Aquino. Marami ang nagsasabing USELESS daw ang mga Dalian trains. Masyadong maingay sa pagsisi sa dating administrasyon hinggil sa problema ng MRT habang hindi masyadong binibigyan ng diin na inaayos naman ang mga issues.

Hindi kaya nagkaroon ng delay sa implementation ng Dalian trains dahil sa pagpapalit ng liderato ng Pilipinas? Kasi, nasa timeline ng DOTC noon na tapos na ang problema ng Dalian coaches ng January 2017 sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pero, ngayon lamang February 2018, nag-test run at napatunayang tumatakbo ang Dalian trains.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *