Anong resign? Kasuhan si Wanda!

Anong resign? Kasuhan si Wanda!

Nag-resign na si Wanda PERO nasaan ang 60M pesoses? Isinoli na ba?

Salamat Naman! Nag-resign na si Wanda Teo!

Na-confirm na ng Malacañang na nag-resign na nga si DOT Secretary Wanda Teo. Ayon kay Pesidential Spokesperson Harry Roque, tinanggap ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang letter of resignation ni Wanda Teo bago ang Cabinet meeting noong May 7.

Ngunit, ayon kay Roque, di pa raw nya ma-confirm kung tinanggap na di Duterte ang resignation ni Wanda Teo. Sinasabing nagkaroon ng mahabang pag-uusap sina Duterte at Teo matapos ang Cabinet meeting.

Ayon naman sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio na syang tumatayong abugado ni Teo, “Her decision to leave her position was made after a long and deliberate reflection and soul-searching with respect to the events that have transpired the past few weeks.”

Nag-file ng resignation si Teo matapos syang kwestyunin ng COA tungkol sa 60M pesos na ibinayad ng DOT para sa commercials sa show ng mga kapatid ni Wanda sa PTV-4.

Ayon kay Roque,

“It has to be investigated by the Ombudsman for probable cause….We expect the speedy and transparent investigation of the Ombudsman.”

Mga Kontrobersyang Dawit si Wanda Teo

  • 60M pesos para sa DOT commercials sa show ng mga kapatid ni Wanda na Tulfo Brothers
  • Overseas Trips para sa mga DOT clerks at drivers
  • Panghihingi ng Designer Shoes and Show tickets
  • Madrid Fusion Manila brouhaha
  • Norway-Iceland Junket kasama ang ilang myembro ng House of Representatives
  • Hindi pagre-resign ni Roberto Teo, asawa ni Wanda, bilang myembro ng TIEZA kung saan myembro si Roberto Teo ng lahat ng committees at si Wanda naman ang tumatayong Chairperson ng TIEZA dahil sya rin ang DOT Secretary
  • Pag-award ng “I Travel Pinas” sa BITAG, kumpanya ni Ben Tulfo na kapatid ni Wanda
  • Pag-bid out ng P1.294 million na reversible jacket para birthday gift sa mga empleyado ng DOT

Hindi sapat ang resignation ni Wanda. Sa dami ng issues na kinasangkutan nya, karapatdapat lamang na kasuhan sa Ombudsman ang isang Wanda Teo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *