Ano ang Meron kay Marvin Marcos na Wala ang 400 Pulis na Natanggal sa Pwesto?

Ibinabandera ng PNP na 400 pulis na ang natanggal sa serbisyo dahil sa iba’t ibang kaso.

Sabi ni Chief Superintendent John Bulalacao, ang kampanya raw ay isang “uncompromising stand against breach of discipline.”

Pero ang nakakalurkey dito, wala ni isa man sa 400 na natanggal ay may koneksyon sa mga police operations sa “war on drugs” ni Duterte, kung saan mas higit sa 4,000 katao na ang napapatay.

Si Marvin Marcos Ginawang CIDG Chief ng SOCCSKSARGEN

Ganun din, naibalik nga sa pwesto si Superintendent Marvin Marcos na involved sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr. Ginawa pa ngang CIDG Chief ng SOCCSKSARGEN, di ba?

Ang babaw pa nga ng dahilan ni Duterte kung bakit nya ibinalik sa pwesto si Marvin Marcos. Sabi nya, “Ganito ’yan, si Bong inoderan ko, call. By the time pinasa niya, ang sumagot si dela Rosa. Sabi ko, “Do not remove the guy because kasali yan sa… I am doing an investigative job.”

Dagdag pa ni Duterte, “Natapos na yun, si Dolina was cleared. Marcos, positive. Kasi I was keeping track of his movements. Alisin mo ako doon, mawala bigla ang… Mawala lahat. Hindi ko masundan.”

Si Marvin Marcos may “Right to be Heard”

Pero nung may magtanong kay Duterte kung ano ang gagawin kay Marcos since “positive” sya, “He has to face the charges. But ngayon, pwede nang… Let him maintain the right to be heard.”

Mabuti pa si Marvin Marcos, may “right to be heard”. Ung mga napatay sa war on drugs, wala nang boses na maririnig.

Si Marvin Marcos Nag-Partey Partey sa Camp Crame

Marvin Partey sa Camp Crame

Source: Rappler

Noong 65th Founding Anniversary ng CIDG kamakailan, namataan si Marvin Marcos sa Camp Crame. Ok na ok si Marvin Marcos. CIDG Chief ng SOCCSKSARGEN. Posibleng ma-promote bilang Senior Superintendent. Homicide na lamang ang kaso at hindi na murder. Posibleng ma-pardon ni Duterte kung nahatulang guilty.

Again, ano ang meron kay Marvin Marcos na wala sa 400 pulis na natanggal sa pwesto? That is the one-million-dollar question.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *