Ano ang Dapat Gawin sa Overpaid Consultants ng Presidential Liaison Office?

Ano ang Dapat Gawin sa Overpaid Consultants ng Presidential Legislative Liaison Office?

Paanong naging consultants ang walang expertise o special work ha?

Gumastos ang Malacañang ng 4.1M pesos para sa Overpaid Consultants

Ayon sa Commission on Audit, nagbayad ang Presidential Legislative Liaison Office sa mga overpaid consultants noon 2017. Ang mga nasabing consultants na ito ay kulang sa kwalipikasyon.

Ganun din, 36 out of 38 positions na ang napunuan ng opisina. Ngunit, nag-hire pa rin ito ng 10 consultants na may sweldo between 30,000 and 60,000 pesos kada buwan.

9 sa 10 consultants ang walang curriculum vitae. Wala ring naisumiteng anumang report bilang katibayan na may output o accomplishment sila noong 2017.

Ayon sa COA, “The curriculum vitae serve as basis to validate the technical expertise of the consultant to deliver the particular needs of the agency, which was the reason for hiring the consultant. None of the nine hired consultants submitted their approved Consultancy Progress/Final Reports, and/or any output.”

Ginamit daw ng PLLO ang “Contract of Service” form at hindi ang “Contract for Consulting Services”. Dahil dito, hindi nai-define ang scope of work or inaasahang output ng mga na-employ na consultants. Ayon sa COA, ang mga consultants ay gumagawa ng trabaho na posibleng gawin ng isang regular staff ng PLLO.

Kaya nga, pinapasibak sa pwesto ang mga nasabing consultants.

Ano ang Presidential Legislative Liaison Office?

Ang Presidential Legislative Liaison Office ay isang merger ng PLLO at ng Legislative Affairs Office noong termino ng dating Pangulong Estrada. Ang opisinang ito ay responsible sa pag-draft ng bills, paghahanda ng presidential certification para sa mga priority bills, inter-agency consultations, at ceremonial signing ng mga laws.

Ang Presidential Legislative Liaison Office ay nakikipag-collaborate sa House of Representatives at Senate para sa mga presidential legislative initiatives and other policy reforms.

Not just whiff, but 10 whiffs. Sibakin na yan! Di ba “One whiff of corruption, you’re out” ang battlecry ng rehimeng Duterte? Sama na rin ung may pakana nyan ha?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *