Ang Pagbabalik ng Pork sa Panahon ni Duterte

Ang Pagbabalik ng Pork sa Panahon ni Duterte

Nagbabalik ang mga korap!

Kelangang I-Veto ni Duterte ang Pork sa 2019 National Budget

Hinamon ni Senator Ping Lacson si Duterte na i-veto o pawalang bisa ang mga singit na pork sa 2019 budget kung talagang seryoso itong supilin ang korapsyon.

Kalkulado ang mga binitawang salita ni Lacson para mahimok si Duterte na gawin ang nararapat.

Pero, reading between the lines, ang ibig sabihin eh poprotektahan ba ng Pangulo ang kanyang mga kaalyado sa pamamagitan ng pagpirma ng budget as is o poprotektahan ba nya ang pera ng taumbayan laban sa mga ganid na mambabatas?

Ipinapakita ni Lacson na posibleng gamitin ni Duterte ang kanyang kapangyarihan para gumawa ng karapat-dapat – ang tanggalin ang mga singit na pork ng mga mambabatas sa 2019 national budget.

Ganun din, ipinapakitang sobrang gahaman ang mga mambabatas.

Ngayon, may political will ba si Duterte na kalabanin ang mga kaalyado nya?

Madali na para kay Duterte ang magdesisyon. Kilala naman na ang mga salarin. Kelangan lang nya ang umaksyon ng pabor sa bayan.

Halos 300B pesos ang pork barrel sa 2019 national budget. Taon-taon, masyadong malaki ang budget dahil sa pork barrel.

Ayon kay Lacson, 160M pesos kada mambabatas sa House of Representatives ang may pork. Karamihan sa perang ‘to ay nasa infrastructure projects.

Pero, malakas din ang bulungan na may komisyon ang mga mambababatas sa anumang proyekto sa kanilang nasasakupan.

Ung ibang mambabatas, higit pa sa 100M pesos ang nakukuhang kickback. Ung iba, higit pa nga sa 300M pesos tuwing tatlong taong termino ang naibubulsa.

Ilang mga mambabatas din naman ang di sumusuporta sa pork barrel. Kailangang suportahan sila ng taumbayan para tuluyang maiwaksi ang pork barrel.

Alam naman natin na nagpapatuloy pa rin ito kahit na may utos na ang Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel.

Matapang na sinabi ni Duterte noong kampanya na lalabanan nya ang korapsyon sa gobyerno. Kaya nga sya ibinoto ng taumbayan.

Pero, tatlong taon na sya sa pwesto at lalo lamang lumala ang pork barrel. Naipasa na ang 2019 national budget. Nagkasundo na ang House of Representatives at Senado.

Hindi pinayagan ng Kongreso ang “cash-based budgeting” na isinusulong ng rehimeng Duterte para mabawasan ang korapsyon.

Kung talagang kontra korapsyon si Duterte, ngayon ang panahon para patunayan nya ito. Veto the pork insertions in the 2019 national budget!

 

 

Source:

Butuyan, J. R. (2019, February 11). The mother of all corruption scams.

Retrieved from Inquirer: https://opinion.inquirer.net/119472/the-mother-of-all-corruption-scams

Leave a Reply

Your email address will not be published.