Ang Kontrobersyal na si Allen Capuyan May Bagong Posisyon Na Pala!

Ang Kontrobersyal na si Allen Capuyan May Bagong Posisyon Na Pala!

Ang sangkot sa mga issues, Presidential Adviser on Indigenous Peoples na!

In-appoint ni Duterte si Allen Capuyan bilang Presidential Adviser on Indigenous Peoples

Si Allen Capuyan ay na-appoint bilang Presidential Adviser for Indigenous Peoples’ Concerns at magkakaroon ng ranggong Undersecretary.

Matatandaang nag-resign sa pwesto si Capuyan noong March bilang Assistant Manager for Security and Emergency Services sa MIAA.

Inakusahan ni customs broker Mark Taguba si Capuyan bilang tagabigay ng tariff codes para hindi na dumaan sa X-ray inspection ang mga shipments. Ito ang dahilan kung bakit hindi nahuli ang mga shabu shipments na galing China.

Ayon kay Taguba, si Capuyan daw ang “Big Brother” na sinasabi ng mga customs brokers sa text messages nila.

Nagresign si Allen Capuyan sa MIAA noong Marso

Matatandaang nasangkot ang Manila International Airport Authority sa issue ng korapsyon sa BOC.

Ayon sa statement ng MIAA noong Marso, “Manila International Airport Authority today confirmed the resignation of its former Assistant General Manager for Security & Emergency Services, Allen A. Capuyan.”

Ayon din sa statement, “Capuyan in his letter addressed to MIAA General Manager Ed Monreal stated some future career moves as reason for resignation.”

Ngunit, matatandaang nag-file ng leave of absence si Capuyan noong August 2017 matapos syang isangkot ni Mark Taguba sa 6.4M pesos shabu smuggling.

Nag-resign si Capuyan dahil in-announce ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na sya ang magiging leader ng isang task force sa buong Mindanao na mag-focus sa indigenous peoples doon. Isang Manobo si Capuyan.

Si Allen Capuyan ay naging hepe ng Intelligence Service Unit sa Davao City. Ganun din, naging myembro din sya ng ISAFP at PMA Class of 1983.

Sangkot din si Capuyan sa “Hello Garci”

Noong 2004, naging chief of operations ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines si Capuyan. Ayon sa Newsbreak report, si Capuyan ay ang tinaguriang most powerful man ng ahensya.

Noong 2005, isang military source ng Newsbreak ang kumikilala kay Capuyan bilang “number one suspect” sa wiretapping operation ng ISAFP para i-monitor ang mga usapan sa telepono ng oposisyon ng rehimeng Arroyo.

Dahil sa surveillance ni Capuyan, nadiskubre din ang wiretapped conversations sa pagitan ng dating Pangulong Arroyo at ng dating COMELEC official Virgilio Garcillano tungkol sa pandaraya sa resulta ng 2004 national elections.

Mino-monitor noon si Garcillano dahil sa pinagsususpetsyahan syang kasama ng oposisyon.

Noong 2011, kinilala ni Lt. Col. Pedro Sumayo Jr. ng ISAFP’s Military Intelligence Group 21 si Capuyan bilang isa sa mga nag-utos na sunugin ang mga tapes na naglalaman ng mga recordings ng usapan ni Garcillano.

Sinunod ni Sumayo ang utos ni Capuyan, ngunit nakapagpakopya ng marami si Sergeant Vidal Doble ng recordings. Sa kalaunan, na-release ang mga copies sa publiko. Dahil sa galit ng publiko, napilitang aminin ni Arroyo na sya ang nasa voice recording pero hindi nya inaming inutos nyang dayain ang resulta ng eleksyon.

Akala ko ba eh “not a whiff of corruption” ha? Na-involved na pala sa Hello Garci, pati na rin sa shabu smuggling, pero appointed pa rin ni Digong?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.