AMLC: Kelangang Talaga iPhone 7 ang mga Telepono Nyo?

AMLC: Kelangang Talaga iPhone 7 ang mga Telepono Nyo?

iPhone talaga? Di ba pwedeng Cherry Mobile na lang ha?

High-end Mobile Phones Kinuwestyon ng COA

Tinawag ng COA ang pansin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa pagbili ng 16 iPhone 7 noong 2017. Dahil sa iPhone ang pinili ng AMLC, mas konting telepono na lamang ang nabili ng ahensya para sa kanilang financial investigators.

Ayon sa COA, hindi sinunod ng AMLC ang kanilang annual procurement plan na nagsasabing 24 mobile phones na nagkakahalaga ng 25,000 pesos ang bibilhin nila para sa 2017.

Napag-alaman ng COA na 16 iPhone 7 cellphones ang binili ng AMLC na nagkakahalaga ng 37,388.88 pesos ang isa. Ang halagang ito ay mas mataas ng 49.55% sa approved budget para sa mga bagong telepono.

Ayon sa report ng COA, “There was a reduction in the quantity from 24 to 16, with a difference of eight units that were not provided to other … users.”

Ang palusot.com ng AMLC, mas secure daw kasi ang iOS operating system kesa sa Android system.

Ung mga taxpayers naka-Android phones. Ung mga government employees na pasweldo ng taxpayers naka-iPhone 7?! Nasaan ang hustisya?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *