Aguirre: Wala Akong Kinalaman Dyan?!

Aguirre: Wala Akong Kinalaman Dyan?!

Nilaglag na ni dating Secretary Vitaliano Aguirre ang mga empleyado ng DOJ na minsang nakasama nya.

Walang Alam si dating DOJ Secretary Aguirre sa mga Iregularidad na Nadiskubre ng COA

 

Nagsalita na si Aguirre tungkol sa findings ng COA na nakasaad sa 2017 Audit Report nito.

Ayon kay Aguirre, I have no participation whatsoever in the transactions subject matter of the Annual Audit Report released by the Commission on Audit (COA). No signature was ever required of the undersigned in connection with the said transactions.”

Ito ang reaksyon ni Aguirre sa COA report na nagsasabing may 3 unauthorized bank accounts ang ahensya para doon ilagay ang mga pondo ng gobyerno.

Ayon sa COA, 65.68M pesos ang nasa 3 bank accounts sa Land Bank of the Philippines. Sa ilalim ng batas, ang anumang pondo ng gobyerno na hindi nagamit ay kelangang i-deposito sa Bureau of Treasury.

Ayon kay Aguirre, ang mga financial transactions sa DOJ ay pinapamahalaan ng Financial Service na galing sa Budget and Accounting Divisions. Ganun din, may Assistant Secretary at Undersecretary for Finance din daw.

Breakdown ng 65.68M Pesos

52.52M pesos ang nasa Victims Compensation Fund. 379.706 pesos naman ang nasa bank account para sa Witness Protection Program. 12.72M pesos naman ang nasa trust fund para sa biktima ng AMAN Future pyramiding scam, Yolanda Fund, UNICEF, at Housing and Urban Development Coordinating Council.

Masyado naman po yatang malaki ang 65.68M pesos na nailipat sa unauthorized bank accounts para hindi malaman ng dating Kalihim. Wala po bang internal audit ang ahensya na nakakita ng unauthorized bank accounts na ito?

Maliwanag naman ang sinasabi ng Executive Order No. 338 na epektibo simula pa noong 1996. Ang lahat ng ahensya ng gobyerno ay dapat magdeposito ng public money sa mga depository banks ng Bureau of Treasury.

Bakit hindi nasunod ang EO No. 338 noong si Vitaliano Aguirre ang DOJ Secretary?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *