Aguirre: Maling Dokumento ang Naibigay sa COA

Aguirre: Maling Dokumento ang Naibigay sa COA

Ayun naman pala! Mali lang daw ung dokumentong naisumite. Har har har

Payroll para sa mga Job Order Employees, Walang Payroll Registers

 

Ayon sa COA, apat na Joint Entry Vouchers na nagkakahalaga ng 27.68M pesos para sa pang-sweldo ng mga job order employees ng DOJ ang walang payroll registers. Ang lahat ng kwestyonableng vouchers ay may date na March 1, 2018.

Ayon sa COA, “We rejoined that the Accounting Division submit the supporting documents for the four unsupported JEVs and to expedite their verification of the transactions.”

Ayon kay dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, sinabi raw sa kanya ng Financial Services ng kagawaran na maling dokumento ang naisama nila sa mga vouchers.

Ayon kay Aguirre,

“When these JEVs were drawn, there were supporting documents attached thereto, specifically the Disbursement Vouchers and the corresponding Payroll Warrant Registers. It appears that the COA requires the submission of the document entitled Payroll Register. This document is available and submitted to the Land Bank of the Philippines (LBP) as the basis for crediting of the amounts to officials and employees.”

Ayon din kay Aguirre ang mga issues ng COA ay hindi nakarating sa kanyang kaalaman. Ang mga transactions daw ay sa pagitan ng Personnel Division at Accounting Division. Wala raw syang anumang partisipasyon sa mga transactions.

Ayon sa bagong DOJ Secretary Menardo Guevarra, sinabi raw ng finance personnel sa kanya na maipapaliwanag ang lahat ng issues ng COA. Ayon din sa kanya, babasahin nya ang memo at titingnan nya kung naipaliwanag ngang mabuti ng finance ang mga kwestyonableng transactions ng COA.

Hindi ko alam kung ano ang proseso ng audit. Pero, kung may kulang na dokumento during the audit, hindi ba ito hinihingi ng COA bago magpalabas ng report? Tapos, kung walang maipakitang dokumento tsaka lamang ilalagay sa report?

Ang tanong ng bayan: Meron ba talagang Payroll Registers o wala?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *