Kung Abswelto si Kerwin Espinosa, Hindi Ba Dapat Walang Bearing ang Kanyang Testimonya Laban kay Senadora Leila de Lima?

Kung Abswelto si Kerwin Espinosa, Hindi Ba Dapat Walang Bearing ang Kanyang Testimonya Laban kay Senadora Leila de Lima?

Pagulo nang pagulo ang kwentong barbero sa Duterteserye. Sumusubaybay pa rin ba kayo?

Nag-trending sa apat na sulok ng mundo ang pagkakaabswelto nina Kerwin Espinosa sa kaso ng illegal na droga sa Visayas. Pero, pwede pa raw mabago ang desisyon. Ang resolusyon na nag-aabswelto kina Kerwin Espinosa ay pinirmahan at na-approve ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan noong ika-20 ng Disyembre, 2017.

Ayon sa DOJ prosecutors, marami raw inconsistencies and contradictions ang mga testimonya ni Adorco.

Imbyerna ang mga Senador sa Desisyon ng DOJ Prosecutors tungkol kay Kerwin Espinosa

Pinuna rin ng mga Senador ang desisyon ng DOJ prosecutors sapagkat inamin under oath ni Kerwin Espinosa ang kanyang pagkakasangkot sa drug trade. Matatandaang sinabi ni Espinosa sa Senate hearings na nagbigay sya ng milyones mula sa droga sa mga opisyal ng PNP, mga heneral, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, kasama na si dating DOJ Secretary, na ngayon ay Senator, Leila de Lima kapalit ang proteksyon sa kanyang illegal drug trade business.

Mariin at paulit ulit na itinanggi ni Senator de Lima ang ganitong paratang ni Kerwin Espinosa.

Inosente si Senator de Lima sa mga Paratang sa Kanya

Ayon sa butihing Senadora de Lima, ang pagkakaabswelto sa kasong droga nina Kerwin Espinosa ay nagpapalakas sa kanyang pagiging inosente sa pagkakaugnay sa mga sindikato sa droga. Sinabi rin ni De Lima na political persecution ang dahilan ng kanyang pagkakakulong.

Ayon sa senadora, “Ngayon nga pong inabswelto ng DOJ sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang sangkot sa ilegal na droga, lalong napapagtibay ang aking pagiging inosente.”

Ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, naabswelto si Kerwin Espinosa sapagkat hindi isinama ng PNP-CIDG ang testimonya nito sa Senado.

Bakit Hindi Isinapubliko Agad ang Desisyon ng DOJ Prosecutors?

Binatikos din ni Senator De Lima ang pagtatago ng gobyerno ng dismissal order. Napag-alamang nagkaroon na ng desisyon na nag-aabswelto kina Kerwin Espinosa noong December 2017 ngunit ito ay isinapubliko lamang ngayong Marso 2018.

Ayon kay De Lima, “It’s either they were hiding it because they were complicit in the deal with the drug lords or they are so incompetent as to be completely ignorant of the dismissal a full three months after the fact.”

Dagdag pa ng Senadora, “It should be clear by now that Duterte’s drug war is a big joke, except that the thousands killed in its name are not laughing because they are all dead.”

Ayon sa mga Mambabatas: Palayain si Senadora Leila De Lima!

Ayon kay Ifugao Representative Teddy Baguilat, kulang sa ebidensya ang mga alegasyon laban kay Senator de Lima. Sabi nya, “Dapat noon pa pinalaya si Senator Leila cuz mahina naman talaga yung evidence against her.”

Kahit na magkaibang kaso naabswelto si Espinosa, ayon kay Baguilat, kelangang bigyan ng diin ang testimonya ni Espinosa na nagbigay sya ng protection money sa dating DOJ Secretary De Lima na syang ginamit na suporta sa kaso laban sa Senadora.

Ganun din, ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, malinaw na walang basehan ang kaso laban kay Senadora De Lima dahil na rin sa pag-amin ng DOJ na wala itong sapat na ebidensya sa mga drug personalities na naiuugnay sa Senadora.

Ayon kay Villarin, “Even the testimonies of convicted drug lords in NBP (New Bilibid Prison) against Sen. De Lima can’t be used in court as their words have no value in rules of evidence. It’s high time that she be released otherwise DOJ will just be clasping on straws when trial begins.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *