Anyare sa 647.11M Budget ng PCOO para sa ASEAN Information Campaign

Anyare sa 647.11M Budget ng PCOO para sa ASEAN Information Campaign

Paanong nag-release ng sobra sobrang pondo na wala naman sa budget?

Gustong Paimbestigahan ni Senator Trillanes ang Gastos ng PCOO noong ASEAN Summit noong 2017

 

Nag-file ng Senate Resolution 735 si Senator Trillanes para magkaroon ng pagsisiyasat ang Senado tungkol sa paggastos ng Presidential Communications Operations Office ng pondong nakalaan para sa information campaign ng ASEAN noong isang taon.

Ayon kay Trillanes,

“There is an immediate need to look into the alleged irregularities in the disposition of PCOO’s budget and its irregular expenditures for the aforementioned information caravan in order to ensure that government funds are legally and properly allocated, directed and spent toward the sole purpose for which the funds were allocated.”

Dagdag pa ni Trillanes, “The said news report has yet to be officially validated by the COA. Nonetheless, there is still a need for PCOO to explain publicly the disbursement of the said fund.”

Wala pang Inilalabas na 2017 Audit Report ng PCOO ang COA

 

Ayon sa Commission on Audit, wala pa silang ipinapalabas na anumang audit report ng PCOO noong 2017.

Ilalathala daw nito sa kanilang website ang finalized report pag ito ay handa na. Nag-issue ng clarification ang COA  dahil sa pagbanggit ni Senator Trillanes ng audit report na kinuha nya sa isang online site ng isang tabloid.

Ayon sa tabloid, hinahanap daw ng COA ang 647.11M pondo na ginamit para sa information caravan noong ASEAN 2017. Binansagang malicious and fake ni PCOO Undersecretary Noel Puyat ang nasabing istorya ng tabloid.

Ayon naman kay Senator Trillanes, binuo ni PCOO Secretary Martin Andanar ang information caravan para ipaalam sa mga Filipino ang trabaho ng ASEAN. Mayroon daw perceived lack of knowledge and awareness ang publiko tungkol dito.

Sabi ni Trillanes, “There is an immediate need to look into the alleged irregularities in the disposition of PCOO’s budget and its irregular expenditures for the aforementioned information caravan to ensure that government funds are legally and properly allocated.”

PCOO Inaming may 1.4B Pesos na Pondo para sa ASEAN Media na Over sa Budget

 

Inamin ni PCOO Undersecretary Noel Puyat na 43% over budget ang 1.4B pesos na inilaan para sa ASEAN-Committee on Media Affairs and Strategic Communications.

Ngunit, naisoli na raw ng PCOO ang 600M pesos na over budget sa Bureau of Treasury nang paunti unti simula Enero hanggang Disyembre noong isang taon.

Ayon kay Puyat,“I am just getting the final figures from all the chiefs of accounting of our PCOO and bureaus, but I’ve been informed that we’ve returned almost P600 million or a little over that pa raw.”

Di tayo na-inform! Bumbay na pala ang Bureau of Treasury ngayon?! Tumatanggap ng “gives”!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *