4,000 SAF Troopers ang Di Nabigyan ng Allowance. Baket?

4,000 SAF Troopers ang Di Nabigyan ng Allowance. Baket?

Panahon ni Duterte, di nabigyan ng allowance ang SAF. Tuloy pa rin pala ang korapsyon sa gobyerno, ‘no?!

SAF Lamang daw ang may Problema sa Hindi Pagtanggap ng Allowance

Ayon sa PNP Spokesman Chief Supt John Bulalacao, “Itong kasong ito ay ngayon lang nangyari, d’yan lang sa SAF na iyan at walang ibang units na may ganito ring insidente.

Around 4,000 SAF troopers ang hindi nakatanggap ng “additional subsistence allowance”. May mga dokumentong nagpapakita na hindi lahat ay nabigyan nito. Ang ibang SAF troopers ay nakatanggap lamang ng allowance na para sa walong buwan simula noong 2016.

Pinaratangan ang 4 na opisyal ng PNP ng plunder at malversation of public funds dahil sa hindi pagbibigay ng nasabing allowances. Sinabi raw ng apat na opisyales na ang pondo ay ginamit para sa operational expenses, personnel training, at fellowship ng SAF troopers.

Ngunit, ayon na rin kay Bulalacao, hindi pwedeng i-divert ang pondo ng isang program sa ibang police programs. Ipapaubaya na lamang daw ng PNP sa Ombudsman ang pag-iimbestiga.

Natanggal na sa Pwesto ang 4 na Police Officials

Ang apat na opisyales na involved sa malversation of public funds ay tinanggal na sa kani-kanilang pwesto. Ayon kay Bulalacao, 60M pesos ang di naibigay na allowances sa mga SAF troopers simula noong 2016 hanggang 2017.

Ang mga natanggal sa pwesto ay sina SAF Chief Police Director Benjamin Lusad, S/Supt Andre Dizon, at mga police sergeants James Irica at Maila Salazar Bustamante. Kinasuhan na rin sila sa Ombudsman.

Ayon kay Bulalacao, “The PNP will closely coordinate with the Ombudsman as we have always done in the past to ferret out the truth. It’s up to these police officers to defend themselves.”

Sinabi rin nya na, “Ngayon nagkaroon ng initial investigation ang ating comptrollership. In fact, they are doing a management audit kung papano nangyari ang insidente na yon because of the system na already in place na ina-adopt na namin. Kaya lang ang details nun, alam natin na ang Ombudsman has taken cognizance of this case.”

Mga TBGs, na-Duterte talaga kayo. Akalain nyong nangyari ang korapsyon sa SAF sa termino ni Tatay Digong!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *