2020 Philippine Budget may Presidential Pork

2020 philippine budget

Naisumite na ang 2020 Philippine budget sa Kongreso. Guess what? May presidential pork!

Neri Colmenares: May presidential pork sa 2020 budget

Naisumite na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2020 Philippine budget sa 18th Congress kamakailan. Ngunit, ayon sa dating mambabatas na si Neri Colmenares, may presidential pork ito.

RELATED: Ang Pagbabalik ng Pork sa Panahon ni Duterte

Kailangang busisiin ng House of Representatives (HoR) ang kahinahinalang lump sums sa budget, partikular na rito ang 1.7T pisong special purpose fund (SPF) na ang malaking bahagi ay kontrolado ni Duterte.

Ayon sa chairman ng Bayan Muna, kailangang magpaliwanag ng Malacañang kung magkano ang discretionary funds na mapupunta kay Duterte at kanyang mga kaalyado kapag naipasa na ang budget.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Malacañang hinggil dito.

One-fourth ng 2020 Philippine budget ay walang detalye

Ayon kay Colmenares, 1.735T piso sa budget ang walang detalye. Kasama rito ang mga gastusing di kelangan ng approval ng Kongreso, gaya ng internal revenue allotments (IRA) sa mga lokal na pamahalaan, pondo para sa Bangsamoro government, at pagbabayad ng interes sa mga pagkakautang.

Pero, may 761.8B piso ang nasa special purpose funds na walang detalye.

Awtomatiko sa appropriations ang mga sumusunod:

  • 202B para sa suporta sa mga government corporations
  • 15B para sa mga lokal na pamahalaan
  • 13B para sa contingency fund
  • 4B para sa miscellaneous personnel benefits fund
  • 20B para sa national disaster risk reduction management fund
  • 2B para sa pension and gratuity fund
  • 3B para sa unprogrammed appropriations

Patuloy ang pagtaas ng special purpose funds simula 2018. Nasa 1.1T piso lamang ito noong 2018 at naging 1.44T piso ngayong taon.

Umaasa si Colmenares na ipapaliwanag ng gobyerno ang malaking pondong ito dahil kung hinde, ito na ang pinakamalaking presidential pork barrel sa kasaysayan ng Pilipinas.

Walang detalye ang special purpose fund

Walang line items o detalye ang special purpose fund kaya hindi alam kung paano gagastusin ito. Ayon sa DBM, ang special purpose funds ay budgetary allocations para sa special purposes kaya kadalasang lump sum lamang ito dahil wala pang programa para rito.

Para ito sa mga ahensya ng gobyerno at karagdagan ito para sa kanilang budget. Ang calamity fund at contingency fund naman ay nasa discretion ni Duterte samantalang ang unprogrammed funds naman ay ibibigay kung mas malaki ang nakolekta ng gobyerno kumpara sa target nito.

Nasa pagpapasiya ng pangulo ang lump-sum appropriations

Binabatikos ng mga kritiko ang lump-sum appropriations bilang presidential pork barrel dahil ang Pangulo ang nagpapasiya para rito.

Ang pork barrel ay isang practice kung saan may lump-sum allocation ang mga mambabatas sa budget para sa kanilang mga proyekto matapos maaprubahan ang budget. Ayon sa Korte Suprema, ilegal ang ganitong gawi.

RELATED: 9B Pesos Na Pork Nakasingit sa “Urgent” Items sa 2019 Budget

Ayon naman kay House Speaker Alan Peter Cayetano, naniniwala syang maipapasa ng Kongreso ang budget sa Oktubre.

Habang nakatuon ang pansin natin sa pork barrel ng mambabatas, nakakaligtaan nating busisiin ang pinakamalaking presidential pork sa 2020 Philippine budget. Anyare, Pilipinas?

 

Source:

Yap, D. (2019, August 27). Colmenares sees presidential pork in 2020 budget. Retrieved from Inquirer: Colmenares sees presidential pork in 2020 budget