Umabot na ng Halos 1B Pesos ang Nagagastos ng Davao City sa Contractual Employees

Umabot na ng Halos 1B Pesos ang Nagagastos ng Davao City sa Contractual Employees

Matagal ng issue ‘to pero nagpatuloy pa rin ang questionable practice at umabot ng halos 1B pesos.

COA: Nagpatuloy ang pag-hire ng Davao City ng Contractual Workers

Matatandaang isyu na ang mga contractual workers ng Davao City kahit noong mayor pa lang si Digong tatlong taon na ang nakalipas. Dahil nagpatuloy pa rin sa hiring, umabot na ng 1B pesos ang kwestyonableng practice na ito.

Ayon sa 2017 COA report, 938.7M pesos ang nagastos ng siyudad para sa “other general services” ng job orders at contract of service employees nito. Ito ay 87% ng kabuuang 1.16B pesos na nakalaan para sa contracted services. Nakalista ang gastusin na ‘to sa Maintenance and Other Operating Expenses. Ayon sa COA, mas malaki ito ng 16.8% sa 803.7M na ginastos para sa ganitong gawain noong 2016.

Matatandaang noong 2014 COA audit, kinuwestyon na ang 11,000 contract workers ng syudad na wala namang tukoy na responsibilidad.

Ayon sa COA,

“The necessity of hiring employees under contract of services and job orders could not be established due to absence of clear-cut hiring policies of the City of Davao, doubtful daily time records of most job orders assigned in the barangays and contracts were entered into without the specific functions and duties expected from employees.”

Ganun din, kinuwestyon din ng COA ang pagka-classify sa mga workers sa ilalim ng general services na para sa carpentry, electrical, plumbing, at iba pang katulad na serbisyo. Siniguro ng mga opisyales ng Davao City na magkakaroon ito ng mas mabuting internal control sa pag-hire ng mga karagdagang employees at ililipat ang salaries mula sa General Services Account to Other Professional Account.

Matatandaang kinuwestyon ni Duterte ang nasabing COA report. Ayon sa kanya, walang dahilan para kwestyunin ng COA ang pag-hire ng mga karagdagang personnel na nagbigay ng mga serbisyo.

Matapos ang tatlong taon, si Mayor Sara Duterte-Carpio ang nagpatuloy ng ganitong practice. Mayroon pa ring 4,801 job orders at 7,653 contract of service personnel ang Davao City hanggang sa pagtatapos ng taong 2017.

Paanong maniniwala ang taumbayan sa anti-corruption stance ni Digong kung patuloy pa ring kinukwestyon ng COA ang mga contractual employees ng Davao City?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *