Bakit may 150M-peso Security Contracts ang Kumpanya ni SolGen Calida?

Bakit may 150M-peso Security Contracts ang Kumpanya ni SolGen Calida?

Di raw conflict of interest, sabi ni Calida. Eh ano tawag mo dun ha?

Simula August 2016 Hanggang January 2018, 10 Kontrata ang Pinasok ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated

Ang Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated ay kumpanya ng pamilya ni Solicitor General Calida. Ayon sa imbestigasyon ng Rappler, 150.85M pesos na kontrata sa 6 na ahensya ng gobyerno ang nakuha na ng VISAI matapos ma-appoint si Jose Calida bilang Solicitor General.

Noong 2017, 2 kontratang nagkakahalaga ng 12.4M pesos ang nakuha ng VISAI mula sa Department of Justice. Ang DOJ ang naghahanda ng budget ng Office of the Solicitor General na syang opisina ni Calida.

Ngunit, ayon kay SolGen Calida, wala raw conflict of interest sapagkat nag-resign na sya bilang Chairman at President ng VISAI noong May 30, 2016 bago sya nanungkulan bilang Solicitor General noong July 2016.

Noong July 14, 2016, ipinaalam ng VISAI sa SEC na nag-resign na si Calida bilang President at Chairman ng kumpanya noong June 30, 2016. Ganun din, ipinaalam din ng kumpanya na ang asawa ni Calida na si Milagros ang bagong President at Chairperson nito. Ang kanilang anak na si Atty Josef Calida naman ang Vice President at Corporate Secretary samantalang ang kanilang anak na si Michelle naman ang Treasurer.

Ngunit, ayon sa mga SEC documents, si Jose Calida ay nagmamay-ari pa ri ng 60% ng shares of stock ng VISAI as of September 29, 2016. Walang ibang shareholders ang VISAI maliban sa pamilya Calida.

Ayon sa pinakahuling pahayag ni SolGen Calida, wala na raw syang shares of stock sa VISAI. Sa 10 kontrata ng VISAI, 9 doon ang nakuha ng VISA noong naging Solicitor General si Calida.

Ang VISAI ay may kontrata sa anim na ahensya ng pamahalaan simula 2016:

  • National Economic and Development Authority or NEDA (1 contract)
  • Philippine Amusement and Gaming Corporation or Pagcor (3 contracts)
  • National Anti-Poverty Commission or NAPC (1 contract)
  • National Electrification Administration or NEA (1 contract)
  • Department of Justice or DOJ (2 contracts)
  • National Parks Development Committee or NPDC (2 contracts)

Ayon kay SolGen Calida, wala raw violation ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil nag-resign o nag-divest na sya ng shares of stocks nya sa VISAI. Ngunit, ayon sa SEC documents noong September 29, 2016, 60% ng shares of stocks ng VISAI ay pag-aari pa rin ni Jose Calida.

9 sa notices of award na nakuha ng Rappler, si Jose Calida ang nakalagay na contact ng VISAI. Sa pinakahuling kontrata ng kumpanya sa VISAI, si Milagros Calida, asawa ni SolGen Calida na ang nakapirma bilang President and Chairperson.

Ayon sa statement ni Calida, “The OSG does not regulate, supervise, or license security agencies like Vigilant.”

Ngunit, mayroong kaparehong kasong nadesisyunan ang Ombudsman. Kamakailan, kinasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo Jr ng paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft Law dahil sa may financial interests si Floirendo sa mga transactions ng Tagum Agricultural Development Company (Tadeco), family corporation ni Floirendo, sa gobyerno.

Family corporation ang VISAI, security agency ni Calida. Asawa at mga anak nya ang opisyales nun. Even if nag-divest sya man sya sa VISAI, wow naman! Asawa at mga anak nya ang nagpapatakbo nun.

Wag namang gawing tanga ang mga Pilipino. Eh ang kita nun, sa pamilya Calida rin ang bagsak.

Paano nakakasigurado ang taumbayan na hindi ginamit ni Calida ang posisyon nya para makuha ng kumpanya nya ang 10 kontrata sa gobyerno?

Kung ano ang ikinaso kay Floirendo, un din dapat ang ikaso kay Calida, di ba?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *