From 1 to Marcos, Gaano Kakapal ang Mukha Mo?

Inimbita nina Imee at BBM ang mga sarili nila sa Panagbenga. Nagtalumpati pa?! Grabeh!

Kawawa naman si Baguio City Mayor Mario Domogan, kelangan nya tuloy magpaliwanag dahil sa sanrekwang nagalit. “Unfortunate” daw, sabi nya. Pinolitika kasi ng magkapatid na Marcos ang isang kasiyahan para ipagdiwang ang Baguio Flower Festival.

Nakiparada ang magkapatid na sina Imee at Bong-bong kasama ang mga opisyales ng lungsod. Nagsalita pa sa harap ng mga tao. Kung di ba naman sobrang kapal ng mukha, ipinakilala ni Imee si BBM as “the Vice President of the Philippines”. Eh di pa nga tapos ang recount?!

Di na Mauulit Pa

Ayon kay Mayor Domogan, sisiguraduhin daw nya na di na mangyayari ang ganun. Ayon sa SunStar sources, hindi naman talaga inimbita ng LGU ang mga Marcoses. Sila ang nakipag-ugnayan sa mga opisyales ng lungsod dahil gusto nga nilang sumali sa parada. Pinaalam daw naman sa mga Marcoses ang rules pero talagang makakapal lang talaga ang mga mukha.

Pinagbabawal kasi talaga ng Baguio Flower Festival Foundation ang pamumulitika sa kanilang kasiyahan. Bawal sumali ang mga politiko sa parada. Bawal din ang pamimigay ng mga campaign materials at paglapit sa mga tao.

Ang Bisitang Nambastos sa may Kasayahan

Kung di ba naman nuknukan ng kakapalan ng mukha, sinabi ni Imee, “Dito sa Baguio maraming kailangang ayusin nakikita natin iyong infrastructure higit sa lahat iyong traffic na inerereklamo mga issues ng waste disposal ng tubig, maraming hassle ang ating mayor. Kailangan maging creative sa pagsosolusyon. We lighten burdens of development and progress if we share with each other.” Sa harap ng maraming tao, pinangalandakan ang problema ng Baguio. Namumulitika talaga, di ba?!

Kasi nga, tatakbo si Imee for national position. Maliwanag naman ang pronouncements nya: “The electoral protest filed by Bongbong has not advanced so one of his other siblings may be forced to seek national office, like me.

Maliwanag ang mensahe sa naganap sa Baguio. Walang respeto ang mga Marcoses sa mga rules ng pagtitipon. Sadyang makakapal ang mga mukha! #NeverAgain

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *