Social Mobility: Mga Pilipino Hirap Umangat Sa Buhay

Nasa bottom half ang Pilipinas kung social mobility ang pag-uusapan. Paano sosolusyunan ito?

WEF: Social mobility ng Pilipinas mababa

Ayon sa isang pag-aaral ng World Economic Forum (WEF), ang Pilipinas ay pang-61 sa 82 bansa sa abilidad nitong maiangat ang estado ng buhay ng isang mamamayan. Sa Global Social Mobility report nito, binigyan ng 51.7 na grado ang bansa sa social mobility na syang naglagay dito sa bottom half ng lahat ng mga bansang kasama sa pag-aaral. Sa mga kasapi sa Southeast Asia, naungusan lamang ng Pilipinas ang Indonesia at Laos. Basahin...

Inclusive Growth: Di Pa Rin Ramdam Sa Pilipinas

Masyadong mailap ang inclusive growth para sa ordinaryong Pilipino. Ano ang dapat gawin?

IMF: Kailangang maramdaman na ng mga Pilipino ang inclusive growth

Ayon sa International Monetary Fund (IMF), kailangang maiparamdam na sa mga mahihirap ang paglago dahil sa inulat na naman ng bansa na nagkaroon na ng malakihang pagbabago sa pagpapababa ng bilang ng mga mahihirap. Maiiwasan ang kaguluhan at pagrereklamo ng mga Pilipino kung nararamdaman nila ang epekto ng paglago ng ekonomiya sa mga buhay nila. Basahin...

Alegria Oil Drilling Chinese Ang May Kontrata

Matagal na rin naman ang proyektong Alegria oil field na Chinese ang nakakuha ng kontrata.

Alegria oil drilling magpapasimula na

Magsisimula na rin sa wakas ang drilling operations sa bayan ng Alegria sa Cebu. Anim na production wells ang pasisimulan ng Polyard Petroleum International Group Limited matapos pumasok ito sa isang Turnkey Drilling Service Agreement sa isang contractor na may kakayahan sa oilfield engineering and technology services noong January 11. Basahin...

Duterte Rant sa Maynilad, Manila Water: Ano ang Epekto?

Patuloy ang pagputak ni Duterte sa Maynilad at Manila Water. May epekto ito sa ekonomiya, promise.

Time of reckoning para sa Maynilad, Manila Water

Matapos atakihin ni Duterte ang Maynilad at Manila Water dahil sa mga probisyon sa kanilang kontrata na lubhang nakakapagbenepisyo sa dalawang kumpanya, sinabi ng Pangulo na pwede naman nilang tanggapin ang mga bagong kontrata o di kaya ay isailalim na lamang ang mga ito sa government takeover. Basahin...

Philippine Sugar Output: Bagsak nang 27%

Bumagsak nang 27% ang Philippine sugar output. Ano ang solusyon ng gobyerno?

Bumagsak nang 27% ang Philippine sugar output noong Disyembre

Nananatiling mababa ang supply ng lokal na asukal, ngunit inaasahang bubuti ang sitwasyon ngayong buwan dahil sa peak ng milling season na. Ayon sa pinakahuling datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), 27% ang ibinaba ng sugar production noong unang linggo ng Disyembre. 311,617 metric tons lamang ang Philippine sugar output noon. Ito ay mas mababa sa 429,690 MT na naitala sa kaparehong period noong 2018. Basahin...

6% Export Growth Inaasahan Ngayong 2020

Bagong taon. Bagong pag-asa. 6% ang inaasahang export growth ngayong 2020.

Exporters inaasahan ang 6% export growth ngayong taon

Ayon kay Philippine Exporters Confederation Inc. President Sergio Ortiz-Luis Jr., inaaasahan nila ang mas mabilis na paglago ng exports ngayong taon, lalong lalo na hindi naman lumago ito noong 2019. Ayon sa kanya, mas mababa kasi ang inaasahang tensyon sa pagitan ng US at China at dahil mababa rin naman kasi ang basehan na naitala noong nakaraang taon. Basahin...

2020 Budget: Bakit Di Napirmahan ni Duterte?

Naipasa ng Kongreso ang 2020 budget sa takdang panahon. Bakit di napirmahan ni Duterte?

Reenacted budget na naman sa pagsisimula ng 2020

Sa pagsisimula ng taong 2020, reenacted budget muli ang ipapatupad sapagkat hindi napirmahan ni Duterte ang 4.1T national budget para sa 2020 bago matapos ang 2019. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mapipirmahan ang nasabing budget sa unang linggo ng Enero. Ayon kay Senator Sonny Angara, posibleng sa January 6 mapirmahan ito. Basahin...